Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Sino
si Jesus?
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Isang Maikling Kasaysayan ni
Maestro Evangelista
Inihayag noong ika-22 ng Agosto 2005
Narito ang isang tao na binigyan ng karunungan at kaunawaan sa Banal na Aklat.
Isang karaniwang tao lang siya, nguni’t may matalas na pag-unawa at mapanuring
pag-iisip. Siya ang nagtataglay ng susi upang malaman ang mga kahulugan ng mga
hiwaga ng mga pahayag sa Banal na Aklat at sa mga pangyayari sa ating kapanahunan.
Ang “Salita ng Dios” na ibinigay sa isang tao mula sa anim na bilyong tao sa
mundo.
Si Ginoong Eraño Martin Evangelista na lumaki sa Pandacan, Manila ay kilala sa
mga kaibigan niya bilang “Ka Erdy” o “Maestro”. Anim na pu’t dalawang taong
gulang na siya nang ito ay isinusulat,
kung makikilala mo siya at makikita sa unang pagkakataon ay mapapansin mo na isa
lamang siyang ordinaryong tao na may kababaang loob. At
sa kanyang mga
malapit na kaibigan, siya’y magaling magbigay ng mga bugtong at mga patawa,
ito’y isang katangiang hindi karaniwang makikita sa mga ordinaryong tao.
Kahit ang kanyang naabot sa pormal na edukasyon ay
hindi gaanong mataas, si Ginoong
Evangelista ay nagkaroon ng masigasig na interes sa mga pagsasaliksik na
pang-agham na naging kanyang hanapbuhay bilang isang “imbentor.” Ang kanyang
pinakabagong proyekto ay ang paglikha ng
“electronic device” na nakakabawas sa usok ng mga sasakyan na
siyang nagdudulot ng polusyon, nagbibigay ng karagdagang lakas o “power” sa
makina ng sasakyan at nakakatipid ng gasolina na hindi nakakasira sa kalikasan.
Siya ay dating kaanib ng “the Church of Christ” or Iglesia ni Kristo, isang
Pilipinong denominasyon. Ang simbahan na kanyang kinaaniban ay ipinagbabawal ang
pagbasa at pag-aaral ng Banal na Aklat ng mga kaanib na hindi mga ministro o
hindi napapatnubayan ng mga ministro.
Hulyo 16, 1990, isang makahulugang pangyayari sa kanyang buhay
ang naganap. Ito ay nangyari sa kanyang tahanan sa Las Piñas city, isang lungsod sa Metro Manila.
Naghanda siya ng isang pagtitipon kasama ng kanyang mga kaibigan na
kinabibilangan ng mga banyaga, isa rito – si Elmore Sumariaga, isang
Filipino-American. Nang ika 12 ng tanghali, Sinabihan ni Ka Erdy ang kanyang
asawa na si Sonnie, (na namayapa na noong 2004), na maghain ng pananghalian para sa
mga panauhin. Habang siya ay nasa silid-tulugan, isang liwanag na naggaling sa
itaas ang nagliwanag sa silid. Nakakita siya mg mga pangitain – isang malakas na
lindol ang mangyayari sa araw na iyon, kikitil ng maraming buhay; at isang
parating na digmaan sa may Gitnang Silangan; at ang panghuli, isang malakas na
pagsabog ng bulkan na nangyari sa Pilipinas.
Habang siya ay nananaghalian kasama ang kanyang mga panauhin, si Ka Erdy ay
nagugulimihanan sa mga pangitain niya na kahit si Elmore ay nakapansin:
Elmore: What happened back there?
Ka Erdy: Well, I had this vision just now. Today, we will have a strong
earthquake. Many will die.
Elmore: Are you dreaming?
Ka Erdy: No. It's a vision. (At kanyang inihayag ang mga bagay-bagay ng kanyang
pangitain.)
Nang bandang ika-3:53 ng hapon, pagkatapos lumisan ang mga panauhin, naramdaman
ni Ka Erdy ang lindol. Ang anak niyang si Nomer, sumigaw: Daddy, ito na ang
lindol na sinabi ninyo!” Sagot niya: “Oo, Malakas iyan, at maraming mamatay
d’yan.” Bandang huli, ang balita sa mga radyo, mga telebisyon at sa mga
pahayagan ay nagpatunay na marami ngang namatay ng kalunos-lunos ng araw na iyon,
kagaya ng nakita niya sa kanyang pangitain.
Agosto 1, 1990, habang siya ay nanananghalian kasama ang kaibigan niyang taga-Kuwait,
si Ginoong Al-Sherida, sa Max's Restaurant sa Baclaran, Lungsod ng Parañaque.
Inihayag ni Ka Erdy ang kanyang pangitain tungkol sa darating na digmaan sa
Gitnang Silangan. Hindi siya pinaniwalaan nito, sa halip si Ka Erdy ay
inimbitahan pa niya at nagbiro pa: "You know brother, it's easier to get inside
Paradise than to enter Kuwait." Ang bansang ito ay mayaman sa langis at mahigpit
sa mga bumubisita mula sa ibang bansa. At ng mga panahong iyon, ni isa ay
walang nakaisip na may karatig bansa na mangangahas na sumakop dito. Nang sumunod na araw
ding iyon,
sinakop na ng bansang Iraq ang Kuwait. Tinawagan ni Jashim si Ka Erdy:
Jashim: Brother, what you said to me has happened. My country is invaded by
Iraqi soldiers.
Ka Erdy: Yes. And now, not even you can enter Kuwait!
Jashim: What will happen next?
Ka Erdy: It's going to be a brief war, I have seen it in a vision.
At nangyari nga ang digmaan, nguni’t
ito ay bigla rin natapos ng tinalo ng mga Amerikano at ng mga kaanib nito ang
hukbo ng Iraq noong Pebrero 1991.
Hunyo 1991, kagaya ng kanyang naunang sinabi, ang pangitain ni Ka Erdy hinggil
sa isang malaking pagsabog ng bulkan ay naging katotohanan ng sumabog ang
Bulkang Pinatubo sa Zambales, Central Luzon. Ito ang panahon na nagbago ang takbo
ng buhay ni Ka Erdy.
Nakita ni Ka Erdy ang kanyang pagaalinlangan sa sarili, at nalaman niya na siya
ay nalagay sa alanganin. Siya ay nagtaka sa mga pangitain niya na nangyari lahat
sa maikling panahon lamang. Nalito, nanalangin siya: Dios ko, kung may gusto
Kang ipagawa sa akin, kung maaari kausapin Ninyo ako sa Banal na Aklat, na tapos
na. Kung dili, iisipin ng mga tao na nasisiraan na ako ng bait!” Sinagot ng Dios
ang panalangin ni Ka Erdy. Ang mga pahina ay binubuksan… ang mga talata ay
ibinibigay… sa harapan niya.
Binigyan ng Dios si Ka Erdy ng tungkulin na maghayag sa mga tao ng mga tunay na
aral at ang pinakamahalaga ay ang ihayag ang Pangalan ng Dios. Hindi na muling
isasalin o isusulat ni Ka Erdy ang Banal na Aklat, sa halip ay magsasalita
lamang siya ng mga pahayag ng Dios na naisulat ng mga propeta. Ang Dios ang
magbibigay sa kanya ng mga ihahayag, ang mga katagang sasabihin at kung saang
mga kabanata at mga talata sa Banal na Aklat ang babasahin sa tamang panahon.
Wala siyang karapatang gumawa ng ibang palagay o kaisipan at ayunan ang mga
kuru-kuro. Ang Banal na Aklat ay sapat upang linawin ang pahayag, kung ano ang
nais ipabatid ng Dios sa mundo.
Sa mga bumabasa ng website na ito, iminumungkahi ni Ka Erdy na timbanging maigi at
pag-isipang mabuti ang mga pahayag at saksihan ang pagkakatugma ng mga bagay na
hinahanap nating lahat – Ang Katotohanan! Upang maniwala sa mga Pahayag ni
Maestro Evangelista, tingnan at basahin ang mga ibinibigay niyang mga kabanata
at mga talata na nakasulat sa Banal na Aklat.
Napag-alaman niya na binigyan ang bawa’t isa ng mata
upang makakita, tainga upang makarinig at katalinuhan na tiyakin kung ano ang
totoo at hindi, upang mapaganda ang buhay natin.
Lagi na lang, ipinaalaala ni Ka Erdy na huwag mamangha sa kanyang mga pangitain
dahil siya lang ang nakakita nito, bagkus ay tanggapin ang mga aral ng Dios at
unawain ang Banal na Aklat sa pamamagitan ng kanyang patnubay at gamitin ang
ating likas na pagpapasiya, kung tatanggapin o hindi.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang Pahayag ng Dios
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|